Galit ka, Matigas S’ya

I’ll never let this go, but I can’t find the words to tell you.

I don’t’ want to be alone but now I feel like I don’t know you.

 

-Let This Go, Paramore

 

Alam ko at alam mo na mas maraming love story and nauuwi sa “sad ever after” – yun bang akala mo ang saya, akala mo perpekto na, akala mo eto na talaga, panghabang buhay na, kinain mo na yung susi pero hindi HINDI PALA. Nakakapanghinayang, nakakapanghina.

 

Pa’no nga ba natatapos ang dapat sana’y walang katapusan. Pa’no nga ba nababali ang pangakong walang hanggan? Saan ba nagkamali? Saan ba nagkulang? Saan ba sumobra? Hindi ba naging tama ang timpla?Kaylangan pa ba talagang itimpla? Yammy!

 

Kelan ba talaga natatapos ang pagmamahalan?

 

Mahirap sagutin yung tanong na ‘yan. Pero sigurado ‘kong hindi yan natatapos sa araw na sabihin mo sa kanyang ayaw mo na, o sabihin n’ya sa’yong suko na s’ya. Hindi ‘yan natatapos sa huling yakap n’yo, sa pagtalikod mo sa kanya, at sa hindi n’ya pagtanaw sa’yo habang papalayo ka. Dahil kung ang pagmamahalan ay natatapos sa mismong minuto o sa mismong araw ng break up, wala na sana yung salitang move on. Wala na sana yung mga ilang araw, linggo , buwan o taon o dekada o century? Hehe na iniisip mo padin s’ya, na iniisip mong baka maayos pa, baka ok pa, baka matauhan s’ya. Baka bumalik pa s’ya.

 

Kung hindi pala do’n natatapos, eh kelan?

 

Baka naman bago n’yo pa tapusin talaga, o gawing official, tinapos na n’ya. Baka naman noon pa man badtrip na s’ya sa hairstyle mo, o ayaw n’ya ng pabango mo, kaya ok bye bye,  hanap nalang ng bago. Yung mga ganitong tao ang sarap ilibre kotong.

 

Baka naman hindi talaga natatapos pa. Baka naman gusto mo pading maging kayo, gusto n’ya din namang bumilik ka pero nagpapatigasan kayo, GALIT KA, MATIGAS S’YA. Madalas nangyayari ‘yan, pataasan ng ihi,walang gustong magpakumbaba, walang gustong magpatalo. Ok lang masaktan, basta makapagmalaki lang. Tutal ang ang sakit, ang nasirang pangarap, ang pagmamahal ay tulad rin ng birthday ng kuripot, lilipas din naman.

 

Bilib ako sa mga taong kayang ibaba, itapon at kalimutan ang pride nila dahil sa paniniwala sa “ happy ever after’. Saludo ko sa kanila. Masasabi kong marami rami narin akong nakitang ganitong love story. Nakita kong nasaktan na, nakita kong naloko na, nakitang nahirapan pero lumaban padin at kinaya yung akala koimposible na. Kapag nakakarinig ako ng mga ganitong istorya, napapangiti nalang ako, napapakain ng sky flakes tsokolate at napapainom ng Milo. Whattalife!

 Image

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s