Barbershop ni Richard Parker

Gumising ng maaga, wala namang pasok. Tumunganga sa kawalan, ano bang magandang magawa sa buhay ngayong araw? *boom! Pagupit na nga lang ako.

Nakakatawa mga isa o dalawang beses sa isang buwan, nagpapagupit na ‘ko. Alam ko nabanggit ko na dati na naranasan ko ng  hindi magpagupit sa barbero ng anim na taon. Wahahahaha. Tulad ng panahon,klima,at feelings totoo ngang nagbabago din ng tao. Hoho!

Malapit lang sa’min yung barbershop,sa kanto lang namin. At oo sa suking barbershop lang ako nagpapagupit dahil nakasanayan na din siguro. Tsaka feeling ko kasi nasa India ko pag andun ako eh. Lupit ng ambiance pang Life of Pi. Yung barbero kamukha ni Richard Parker.

Ayos! Ako ang unang customer. Pagdating ko tinatanggal palang yung mga kahoy na harang sa glass window. Di ko na kaylangang pumila. Mukhang mabenta sila ngayong araw, bago pa ‘ko simulang gupitan may mga anim na tao ng dumating. Wow dalawa lang silang barbero kaya kung nahuli ako ng mga ilang minuto malamang pipila pa ‘ko at ayaw ko yun. Buti nalang talaga maaga ‘ko at talaga ngang daig ng maagap ang masinop.

Habang sinisimulan akong pagtripan este gupitan nung barbero sineset up naman nung kuya yung sound system. Ayos may music kaso muntik akong mag amok nung pagkalakas lakas na “oh giliw ko, mis na mis kita” ang nadinig ko. Patay tayo dyan. Ano na ba nangyari sa mga FM stations natin? Naiinis akong mas marami pang daldal yung dj kesa sa pagpapatutog ng kanta. Puro lang naman pagbati kay junjun, kay kute, sa tropang solid gangstah, makakati incorporated at kay sexy mommah at alagad ni jerick jejebuster ang pinagsasasabi n’ya. Sa tagal ng pag-stay ko dun isang kanta lang ang pinatugtog, naimagine ko anong riot kaya mangyayari pag biglang nagharlem shake yung mga tao sa barbershop? Hohoho!! Sayang di pinatugtog. Ready pa man din akong maki party party.

Natigil ang paglipad ng utak ko. Kinilabutan, natakot akong muli, nakaramdam ng pangamba, tinubuan ng daga sa dibdib at inasam ang paggunaw ng mundo nung Makita kong hawak na ni kuya yung labaha at wiwisikan na n’ya ng tubig yung patilya ko. Ewan ko sa ibang lalake pero yung feeling na babasain yung patilya ang pinaka ayaw ko. Kakaibang high kakaibang kilabot ang nararamdaman ko dun. Walang eksahirasyon. Kaso kada magpapagupit ka kaylangan mo yun harapin. Ginusto kong magmakaawang wag na n’ya ituloy pero wala akong nagawa, hindi ko nagawang pigilan ang sistema, nagpailalim ako sa nakasanayan, hindi ko nagawang itama ang sa tingin kong mali, hindi ako pwedeng maging aktibista.

Nakasimangot ako habang pinagpapatuloy ni Richard Parker ang paggupit n’ya sa’kin. Kaso bigla ba namang may sumira ng paangas ko? Biglang may joke segment sa radio:

“Pare pinapili ako ng misis ko, pag-ibig daw ba o pagkakaibigan”

“ah kaya ka nandito pre dahil pinili mo ang pagkakaibigan?”

“Hindi pre. Pinili ko ang pag-ibig, I love you pare”

Wahahahaha. Narealize ko ang corny nga pero nung ando’n ako sooobrang tawang tawa ko. Kaso pagtingin ko sa paligid walang natawa. Awkward! Ako lang ang natatawa, kaylangan kong pigilan ‘to! Baka sabihin nila nakarelate ako! Hoho! Eh kaso habang pinipigilan ko yung pagtawa,mas natatawa ako. Kinagat ko yung labi ko, pinigilan yung paghinga pero olats padin, umaalog yung tyan ko eh na umaabot hanggang balikat. Minsan talaga hindi ko mapakatiwalaan kahit sarili ko.

Pero bilib ako kay Richard Parker. Magaling s’ya maggupit, tsaka maganda s’ya magbigay ng serbisyo. Kapag s’ya ang naggugupit sa’kin 4x ang binabayad ko. Yaman ko kaya! Anak kaya ‘ko ni Willie. Tapos may libre ka pang masahe sa kanya. Haplos ng pagmamahal.

Umuwi akong Masaya,sumasayaw sayaw sa daan, binabati ang lahat ng makasalubong. Salamat sa Barbershop ni Richard Parker.

 Image

 Ang Malupit na Lalake, hindi #camwhore

Advertisements

One response to “Barbershop ni Richard Parker

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s