Ang Malupit na Lalake

Hindi na maiiwasan sa usapan ng mga manyakis este mga boys ang babae.  Laging laman ng kwentuhan ‘yan. Crush ko si ganito, ang ganda ni ganyan. Kanya kanyang kuro kuro kung sino ang maganda, kung sino ang “pwede” at kung sino ang malupit. Kaya hindi ko na ‘yan pagtutuunan ng pansin ngayon.

Minsan iniisip ko, may mga ganong moments din kaya ang mga babae?  Siguro naman meron din, pero kung ano ang mga pamantayan nila para masabi kung sino ba ang malupit na lalake, ay wala akong idea. Pero teka, ano nga ba ang mga kwalipikasyong (tamang tagalong ba ‘yan?)kaylangan para maituring na malupit ang isang lalake?

Hhhhhmmmmm. Napaisip ako bigla ah. Kung ako ang tatanungin, anong klaseng lalake nga ba ang malupit? Pagkatapos ko kayang isulat ang listahan ko na ‘to, makapasa ko? Hohohoy!!

ANG MALUPIT NA LALAKE (Kung ako lang naman ang tatanungin)

Image

Ang malupit na lalake, hindi nagtatakip ng ilong pag napapadaan ang jeep o napapadaan sa may truck ng basura o sa estero. Tinitiis ‘yan ng malulupit na lalake. Pasimple lang na magpipigil ng hininga.

Ang malupit na lalake, hindi sa text nanliligaw. Ang kaya niyang isulat o itype, kaya din n’yang sabihin ng harapan. Mata sa mata, kahit hindi pasigaw, kahit pabulong lang.

Ang malupit na lalake, hindi inaakbayan, hindi hinahaw hawakan, hindi chinachansingan ang babaeng hindi pa niya girlfriend. Pangit yung nahihilig sa free taste, pre. Kung gusto mong kainin, pag-ipunan mo, bilhin mo.

Ang malupit na lalake hindi #camwhore. Okay lang na maraming picture, basta yung iba ang nagpipicture sa’yo, o kaya mga group pictures. Pero kung yun phone mo punong puno ng selfie pix habang pinapasingkit yung mata at lalagyan pa ng caption, ituturing ka naming panis na panty.

Ang malupit na lalake, hindi nagpupunta sa mall ng naka boxers na spongebob, ben10 o doraemon. Ano bang gusto mong patunayan?

Ang malupit na lalake hindi nagdudrugs. Ibang bato ang gusto. Rock music.

Ang malupit na lalake, hindi pasosyal. Kumakain kahit saan, marunong makibagay at pinopost sa instagram na nakapila s’ya sa j.co, habang kumakain ng boy bawang.

Ang malupit na lalake, sinusuyo ang girlfriend kapag nagkatampuhan sila. Hindi kaylangan yung mga kaartehang gagawa pa ng eksena sa kalye o kung ano ano pang surpresa. Dahil ang malupit na lalake, lalapit sa kasintahan n’ya, hahawak sa kamay, sasabihin sa kanyang “sorry na,hindi na mauulit, halika na, bati na tayo,uwi na tayo, wala ‘kong pamasahe pauwi,sinadya ko para talagang hindi ako makakauwi pag hindi ka kasama” sabay “bili mo na din akong c2,init eh”

Ang malupit na lalake, hindi mahina ang loob at hindi laging negative ang tingin sa mundo. Masikip lang sa mrt suicidal na kaagad? Napagalitan lang ng boss/teacher/nanay, soul searching agad? Naubusan lang ng ticket sa concert ng favorite n’yang KPOP artist manghohostage na kagad? Di bale sana kung concert ni Katty Perry yun eh.

Ang malupit na lalake, hindi nanonood, hindi nagdadamit, hindi naiinlove sa KPOP. Tapos ang usapan! Sarah G. forever! Hahahaha

Ang Malupit na lalake marunong magmahal.

Ang Malupit na lalake, naniniwala sa kasal at habang buhay.

Ang Malupit na lalake handang magpalaya ng taong ayaw na sa kanya. Kahit ga’no pa ‘yon kahirap.

Ok, bagsak ako sa sarili kong pamantayan!

 

 

Advertisements

One response to “Ang Malupit na Lalake

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s