Tell Me Something About Yourself

Image

Ayaw ko talaga yung bagong kakilala palang tapos ang dami ng tinatanong na information tungkol sa’yo. Kaya nga kapag sa mga interview, lagi akong iwas sa tell me something about yourself. Dahil sa something na ‘yon,dun ka huhusgahan, doon ka nila ile-label. Siguro nga takot lang akong mahusgahan. Or ayaw ko lang talaga ng idea na akala natin ay kaya nating husgahaan ang isang tao dahil lang sa katiting na alam natin sa kanila. Siguro nga kahit isang buong araw pa ‘ko magkwento ng tungkol sa pagkatao ko, ilang porsyento palang yun at kulang na kulang pa para masabi ng isang tao na kilala na niya kung sino ako. Kahit nga yung bestfriend mo, yung kapatid mo, yung asawa mo, baka hindi mo pa talaga kialalang boo.

Toinks. Paranoid mode siguro ako. Kaya sa mga account ko sa mga social networking sites, lagi akong iwas sa pag fillout ng “about me” eh. Baka mali ang maging pagpapakilala ko, baka puro yung magaganda lang tungkol sakin ang masabi ko. Well hindi naman natin maiiwasan yun lalo na pag obvious na masyado. Wahaha!!

Dalawang taon na din pala akong nagsusulat dito sa wordpress at napaka bastos ko naman na hanggang ngayon hindi padin ako nagpapakilala sa tatlong mambabasa ko dito. Sorry! Siguro kaylangan ng labanan ang kaduwagan. Sa dami ng sinulat ko dito siguro kilala n’yo nadin ako kahit papa’no. At sa ganitong paraan ko naisip kung paano magpakilala:

Idea ‘to dati nung ka officemate ko na isa sa mga nagimpluwensya sakin dati magblog. Ten-tenenen-tenen!!!!!

100 Fukcs Facts About Me! Yeahbah!

  1. January 18,1990 ako isinilang. Yay! Umabot pa sa 90s
  2. Legarda, Gomez, Monsay at PUP ang mga schools na nabiktima este napasukan ko
  3. Takot ako sa gulay. Kung hohold-upin mo ako, hindi mo na kaylangan magdala ng baril, sapat ng may dala kang okra at itutok mo sa bunganga ko.
  4. May labinglimang pares ako ng sapatos. Plano kong lutuin sa mga panahong wala na kaming makain. Afritadang sintas you want?
  5. Noong bata ako, naranasan kong mahilig mangolekta. Collector ang drama. At alam mo kung ano? Figurine na mga angel. Huwaaaat? Impluwensya ng nanay ko, pinapangalanan ko pa isa isa. Ginagawa ko yun habang sumisinghot ng pentel
  6. Ang kinokolekta ko ngayon ay mga gitara. Meron akong pitong gitara na nagagamit ko lang kapag bagong gupit ang mga kuko ko. So mga twice a year yun kung susumahin.
  7. Hindi ako marunong lumangoy. Wala kaming probinsya eh. Masyadong malinis naman yung Manila bay para pag swimmingan ko, nakakhiya naman.Bigtime na samin dati yung patagong maglublob sa drum ng tubig. Huwag lang mahuhuli ng mama (Basahin ng mabilis yung mama, yung tipong pang mexicanovela) kasi siguradong palo. Pang luto nya ata kasi yung tubig sa drum na yon eh.
  8. Tatlo kaming magkakapatid. Puro mga lalake. Pangalawa ‘ko. At oo sakin napasa ang sumpa ng pamilya namin. Sumpang maging gwapo at sumakit ang ulo sa dami ng babaeng, ehem, nagkakandarapa, achu, sakin.
  9. Hindi ako makatagal manood ng movie. Hindi ako mapakali at laging lumilipad ang isip ko. Nililihim ko nalang ‘to madalas eh. Kasi akala nung iba nag bibiro ako pag sinasabi kong mga wrestlers lang ang artista sa ibang bansa na kilala ko.
  10. Marami akong DVD. Lagi akong bumibili at pinipilit ang sariling mahilig sa DVD marathon. Para kasing ang cool. Para naman belong ako sa mga kwentuhan. Haha pero nauuwi ako lagi sa pag search nalang sa net ng summary or movie review.
  11. Isa ‘kong licensed teacher. Kahit nabubulok ang lisensya ko sa ngayon, at iba ang linyang tinatahak. Alam ko magtuturo padin ako. Dahil alam kong ito yung bagay na gusto ko.
  12. Sobrang bagal kong magtext sa qwerty na phone.
  13. Mga 70 WPM ang speed ko sa pagtatype. Isa sa mga pangyabang ko sa panahon na may yabangang nagaganap. Pantapat ko yan sa pangyabang nilang may kotse sila, sampu chicks nila at iphone 10 1 million gb ang phone nila.
  14. Favorite subject ko ang English. ‘Yan dapat ang major na kukunin ko kung hindi lang ako na joketime ng facilitator sa PUP.
  15. Bobo ‘ko sa preposition.
  16. Sumusulat ako ng kanta. Mula pa noong Flute palang ang alam kong tugtugin na instrumento. Nakaka 59 na ‘kong compose. Mas marami pa dapat yan kung hindi ako nahilig kumain ng tutong.
  17. Dati  nung grade four ako mga 30 minutes akong nastuck sa 4th floor ng school namin dahil nahihiya akong bumaba at nakatambay sa may hagdan yung crush ko.
  18. Naranasan ko ng magmahal. Yung totohanan talaga. Tatlong beses, at ang masasabi ko? WHATTALIFE!
  19. Si Lia Samonte, Empoy Manalo, Mish Cortez, Albert Alomesen ang mga nagpapagana sa’kin magsulat sa mga panahong tinatalo ‘ko ng katamaran. Kaya kada may bago akong nasusulat ditong kalokohan, kilala n’yo na kung sino sisisihin n’yo.
  20. Favorite Author ko si Bob Ong.
  21. Mahilig akong magbasa, pero hindi ako naghahabol sa mga sikat na libro. Gusto ko yung magugustohan ko s’ya hindi dahil lang sa gusto din ng iba. Madalas akong bumili ng mga parang walang kwentang libro at yun walang kwenta nga.hehe. Pero meron ding iba na mga sulit at sobrang ganda. D’yan ko nakilala yung mga sulat ni Kiko Ansing.
  22. Grade 3 ako nung una akong beses na mahilig magsulat.
  23. Grade 4 ako nung una at huling beses akong manalo sa paligsahan sa pagsusulat. Buwan ng wika
  24. Mula bata pa ‘ko hanggang 2nd year highschool akala ko may talent ako sa pagguhit. Taeng yan Sali pa ko ng Sali ng contest wala man lang nagsabi sa’king mukang mongoloid mga drawing ko. Kaya kahit masakit, masarap ding maaga palang alam mo na ang katotohanan eh.
  25. Kapag mga unang beses palang ako nakakasama ng mga tao, una nilang iniisip suplado ako. Hindi naman eh. Che!
  26. Hindi ko sinasadya, pero sa 1 million kong naging gf, I therefore conclude na mukhang hindi ako gano’n ka attracted sa mga mapuputi. Kulay Filipina, senyorita para sa’kin.Pero ba’t yung mga crush ko mga mapuputi? Gulo!
  27. Favorite kong mga pagkain ay yung may mga sarsang pula. Tulad ng sinigang, nilagang baka at pansit.
  28. Mahilig ako sa almusal. Champorado, Palabok , pandesal, wow ang sarap.
  29. Hindi ako takot sa tubig at mahilig akong maligo. Mali ang Chismis.
  30. Tamad akong magsave ng number sa phone. Kinakabisado ko, chos! Hahahaha
  31. Mula college nagtatrabaho na ‘ko. Ginusto kong pagaralin ang sarili ko kasi alam kong madalas akong pumalya, at gusto ko kung may manghihinayang man ako lang. Akala ko!
  32. Pinapapalit ko yung pera ko ng tigbebente para feeling ko madami.
  33. Naniniwala ako sa Kristyanismo pero hindi ako naniniwala sa relihiyon. Mas naniniwala ako sa relasyon sa Diyos.
  34. Nagwagwapuhan ako kay Daniel Padilla. Neseye ne eng lehet
  35. Hindi ako umiinom ng gatas. Papak lang.
  36. Takot ako matulog mag-isa. Hindi naman sa takot ako sa multo. Sus ang tanda ko na eh. Tsaka lalake ako eh. Tska ba’t ako matatakot hindi naman ata sila totoo. Tsaka hindi naman sila biglang lalabas sa salamin pag tingin ko o kaya sa kumot habang nakatalukbong ako o kaya o kaya. Basta slight lang ang takot ko.
  37. Walang grado ang mata ko. Nakasanayan ko lang magsalamin.
  38. Nag gel ako mula 1997 hanggang 2005.
  39. Naranasan kong hindi magpagupit sa barbero sa loob ng anim na taon. Habang nakakulong sa kweba at hinahanap ang big foot. Ayon nakita ko si bigshow
  40. Medyo madami akong alam na tugtuging instrumento. Pang back up ko yun eh pagwala ng trabaho. Makakapanglimos sa LRT station ng V.Mapa. haha! Pero sabi nung kapitbahay kong idol si AprilBoy mukhang Bass guitar daw ang Forte ko.
  41. Isa sa mga kinaadikan ko ay ang MAGIC. Wohooo!!! Marami akong alam na tricks mga 180. Mga 176 dyan mabubuking mo pag ako ang nagperform. Pamigay!
  42. Sobrang hindi ko kaya ang anghang. Achievement na para sakin na makakain ng monigold
  43. Best in ihi ako dati nung kinder. Sinasadya kong maihi nalng sa short ko kasi nahihiya akong mag may I go out kay teacher.
  44. Nung kinder ako, nag a-arms forward ako sa pila kahit ako yung nasa pinaka unahan.
  45. Nung Grade 5 ako pinangarap kong maging part ng Boyband. At pagdating ng grade 6, bumuo kami ng grupo. AI. Feeling A1 kami. Hoho.
  46. Wala akong t-shirt na mas mahal pa sa 300. Rule ko ‘yan sa buhay ko.
  47. Madalas napapatingin sakin yung mga tao dahil nagsasalita ako mag-isa. Kapag napahiya na, umaarte akong kumakanta ng mahina. Tapos kunwari mga metal pa, may growl para astig.
  48. Kapag nasa bahay, hindi ako maingay. Tahimik lang. Nakahiga at  nangangarap na anak ako ni Obama
  49. Takot ako sa aso. At hindi ata mabisa yung pagkagat sa dila kapag dadaan ka sa teritoryo nila.
  50. Sobra ang pagpapahalaga ko sa time. Ayaw kong nalalate. Kahit sa simpleng kitakita lang naming magtotropa.
  51. Favorie anime ko ang Conan. Second ang Slamdunk. At lablue girl
  52. Naglalaro parin ako ng tau-tauhan hanggang ngayon. Hindi na nga lang kasing dalas nung last year. Haha.
  53. Kahit bagong bili pa yung laruan ko, pinuputol ko na agad yung mga kamay. Istorbo yun eh.
  54. Favorite color ko ay black at pink. Pwede nadin minsan yung yellow at brown
  55. May poot ako sa mga taong magagaling lang mamuna.
  56. Minsan nag iimagine akong lumalaban ako sa Fliptop English Conference
  57. Takot ako sa heights. Soooooppppppeeeeerrrrr!! Para akong mamamatay. Yung sa overpass pinagtyagaan talaga ‘ko ng nanay kong itrain matutong
  58. Gusto kong umulan ng Chicken at Itlog.
  59. Pangarap kong matutong mag SAX.
  60. Hindi ako marunong magmaneho. Feeling ko kung hindi ako ang madidisgrasya malamang ako ang makadisgrasya. Kasalanan to ng GTA eh.
  61. Mahilig ako magbike. Gusto kong nagbabike sa mga malalayong lugar
  62. Hindi ako madamot sa papuri. Sa tingin ko mas maganda ang mundo kung marunong tayong lahat pahalagahan ang bawat tao, ang bawat bagay.
  63. Sobrang maligawin ako. Ang hina ko sa mga direksyon. Apat na taon ako sa PUP pero hindi ko makabisado ang North East South West nila. Kapag pumasok ako sa isang lugar at nagtagal dun ng mga ilang minuto, pag labas ko hindi ko na matandaan kung kanan ba o kaliwa ang daan pauwi. Kung pusa ako hindi mo na ko kaylangang ilagay sa sako para iligaw. Dalhin mo lang ako sa MOA hindi na ‘ko makakauwi.
  64. Walang tatalo sa Fries ng MCDO.
  65. Bata ako at paborito ko ang Chicken ng jollibee
  66. Kinakain ko yung parang lamang loob sa likod ng upper leg part ng chicken. Yun nag favorite ko ng sobra sobra
  67. Hindi ako makakain ng mejo luto lang. Dapat super well done. Yung tipong naguuling na.
  68. Walang tatalo sa burger ng…… ahm ahm.. ahmm Scot burger? Hehe buy one take one sa may tapat ng Uniwide? Hoho!! Hindi ako mahilig sa burger. Yun lang ang favorite ko.
  69. Oo, naghiwalay na kami ni Cristine Reyes, Ehra Madrigal, Angel Locsin at Aubrey Miles. Ang lilikot matulog eh. Ngayon exclusively dating kami ni Isabelle Daza.
  70. Ham and cheese lang or cheese and cheese lang ang nakakain kong pizza. Meron pa bang ibang walang gulay?
  71. Favorite wrestlers ko sina Eddie at si Chris Benoit. Ayon parehas ng nag babata pa namatay na. Ayun parang gusto ko na din maging paborito si Great Khali at baka sakaling sumunod na. awts.
  72. Zambales na ang pinakamalayong lugar na napuntahan ko. Hindi ako mahilig mag travel. Kahit saan magpunta ok lang sakin. Basta kasama yung taong mahal mo. eeeeeeeeeeeiiiiiiII!!!!
  73. Hindi ko iboboto yung mga politiko na wala pang campaign period may patalastas na. Ang dadaya!
  74. Gusto ko si Jimmy Santos di ko alam kung bakit.
  75. Patayin mo na ‘ko wag mo lang akong pakainin ng buko. Noong bata ako may UTI ako at buko daw ang gamot. Pinili kong mamatay.
  76. Tirador ako dati ng yemang tinda ng teacher ko nung grade six.
  77. Sumali ako dati ng SURVIVOR version ng college namin. Ayon nanalo naman, nadaan ko ata sa papogian eh.
  78. Sinubukan ko dating ipunin yung lahat ng pwersa  papunta sa kanang hintuturo ko. Baka sakaling may raygun din ako. Ayon, nafrustrate ako at tinangkang magpakamatay.
  79. Kumain ako ng walong penoy sa loob ng 15 minutes. Ayon nagbago ang mundo, nakita ko ang liwanag mula sa kalangitan, nakita ko ang mga anghel na sinusundo ako.
  80. Hindi ako makakain ng balot. Inaasar ko kasi dati yung kapatid ko na bubwit yung nasa loob non. Ayon, sarili ko pala nabiktima ko. Hindi na maalis sa isip kong bubwit nga ‘yon.
  81. Naniniwala ako sa Happy Ever After, walang basagan ng trip.
  82. Hindi ako naniniwalang basta basta nalang nawawala ang pagmamahal sa’yo ng taong nakasama mo, sinabing paulit ulit na mahal ka at kasama mong nangarap para sa hinaharap. Pero mukhang malapit na nga ‘ko maniwala.
  83. Akala ko dati basta crush mo, crush ka din, pwede na kayo magpakasal.
  84. Sa tingin ko maling husgahan natin ang trabahong ibang tao. Maling sabihin na mas madali yung  sa’yo o mas mahirap yung  sa kanya. Iba iba lang tayo ng struggles at dapat ginagalang yun. Mahirap maging basurero sa parehong dahilan na mahirap din maging Hari.
  85. May nagsabi sa’kin dati na hindi daw ako matalinong mamimili dahil laging mga Buy one take one ang binibili ko sa grocery. Feeling ko tama s’ya.
  86. Marami akong bagay na akala ko kaya ko pero nung naranasan ko na, hindi pala.
  87. Para akong sinusuntok sa sikmura kada nakakakita ako ng mga lolo, lola na ang tatanda na namamalimos pa sa lansangan. Hindi ko talaga maintindihan.
  88. Paborito kong matulog sa jeep. Masama ang loob ko pag hindi ko yun nagagawa.
  89. Kapag may GF ako, hindi ko iniisip ang sinasabi ng kahit na sino. Ako naman nag makikisama eh, hindi sila. Well pag maganda at papuri ang sinasabi,pinapansin ko din naman. Wahahahah!!
  90. Hindi ako nagboboxer shorts. Masyado yung hot for me.
  91. Kapag hawak ko yung pangkamot ng lola ko, iniimagine kong isa akong Samurai.
  92. Natry ko ng magpakamatay dati. Kaso epic fail. Hindi ka pala mamatay pag kumain ka ng isang kutsarang Rock salt. Kikilabutan ka lang dahil pumapait pala sa panlasa pag sobrang alat.
  93. Kada sahod, nagbubudget ako….. Kunware
  94. Kahit takot ako sa aso, minsan minahal ko din yung una at huling naging alaga naming aso. Ayon namatay sa sunog kasi ayaw daw lumabas ng bahay namin dahil wala ako, nasa office kasi ako nun. Haaaaaixxx.  Naiinis ako sa mga taong walang mode, na pinagtatawanan ako pag nalalaman ‘tong kwentong ‘to.
  95. Isa lang ang alam kong pose pag nagpapapicture.
  96. May nunal  ako sa mata. Sabi nila nakakita dawn g mumu kapag gano’n. Siguro naman hindi totoo ‘yon, sus kalokohan yun, 2013 na nanininiwala pa tayo sa gano’n? Sus, sana hindi totoo.
  97. Meron akong joke na lagi kong ginagamit sa mga taong baong kakilala para hindi na nila isipin na suplado ako. Nagsisimula yun sa tanong na tiga saan ka? Pag sumagot s’ya ng lugar, sasabihin ko “magkalapit lang pala tayo” tapos magugulat s’ya sasabihin n’ya “weh? Saan ka ba” Sabay sasagot ako ng anjan ka, andito ako,magkalapit tayo. Wahahahha
  98. Favorite kong sawsawan ng Indian mango yung toyo na puro asukal. Sabi ng lola ko imbento nya lang daw yung sawsawan na ‘yon. Sabi ko  lola, imbento ka.
  99. Nininiwala ako sa pagkakaibigan. Kahit maraming traidor at maraming wala naman talagang pakealam,meron paring mga mananatili at magiging totoo. Kahit sa pamilya, mahalagang kaibigan mo sila, kahit sa relasyon, dapat ang gf/bf mo ay ang bestfriend mo din. Yung kapag kasama mo s’ya kaya mong gawin ang lahat, at hindi mo kaylangang maglihim pa.
  100. Ikaw? Pa’no  mo ‘ko nakilala?
Advertisements

3 responses to “Tell Me Something About Yourself

  1. ampness ka joph..sumasakit tgiliran ko..
    mas sumakit pa nung pinipigilan ko matawa dahil s blog mo..
    gnun din nman msakit parehas ndi ko na lang pinigil tawa ko!:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s