Yung Para Sa’yo

Image

Hindi nagtataguan pero may hanapan, may mga
nakaka PONG may mga nanatiling balagong.
Nakita mo na ba s’ya? Kasama mo ba s’ya?
Baka naman nakita mo na, nakasama mo na,
hawak mo na, pinalampas mo pa?

Sabi nila mahirap daw matagpuan ang tunay na
pag-ibig. Yung bang taong talagang para
sa’yo? Yun bang kapag kasama mo, may dating,
may kilig na hindi nauubos, yun bang kilig
na nagsisimula sa dulo ng pinakamahaba mong
buhok pababa sa namamaga mong ingrown. Dahil
sa kanya, ramdam mong buhay ka, malakas ang
tibok ng puso, mainit ang bawat paghinga at
mainit ang mata, tulo laway? Shabu pa!

Hindi pa daw tayo siguradong pagmamahal nga
ang nararamdaman natin kung nanatili pa tayo
sa kilig stage. Kapag puro lutang at lipad
moments pa daw, hindi pa daw sigurado yon.
Hindi daw sapat yung saya mo sa subuan
moments nyo sa karinderya ni Aling Purita,
yung kilig mo dahil wall paper ng phone n’ya
yung picture mo, yung pangangatog ng tuhod
mo sa unang halik, yung kamay mong ayaw
bumitaw sa braso n’ya, yung phone
convesation ‘n’yong hindi matapos tapos ang
pag ba-bye hindi padin maibaba. Hindi pa daw
sapat yun para masabi mong ETO NA! Pero sa
tingin ko tama un pero d’yan naman lahat
‘yon nagsisimula.

Ang tunay na pagmamahalan ay walang super
powers at hindi supernatural. Natural lang,
gawaing kaya ng tao. May pag-subok, may
away,pero magkasama kayo sa pagbangon. Hindi
nauubos ang kilig kahit binabasa mo na yung
pang 1 million na tula n’ya para sa’yo.
Kahit meron kayong mga hindi pagkakaiba sa
mga hilig, para bang sa proseso, unti unti
na yung nagbabago. Hindi pinipilit pero
parang nagugustuhan mo na rin yung mga gusto
n’ya. Nagugustuhan n’ya na rin ang mga gusto
mo. Hindi yun malabong mangyari dahil isang
araw sasabihin mo, na hindi mo na sarili ang
buhay mo, hindi ka na solo. Para bang isa na
talaga kayo.

Sa piling ng taong talagang para sa’yo,
nawawala na ang kompitisyon. Natututo kayong
umintindi. Natututong magtiwala at
natututong magpatawad. Kung natagpuan mo na
s’ya, wag mo ng pakawalan. Wag mong
susukuan, wag mong papalampasin. Habang
buhay ka lang manghihinayang, habang buhay
na magtatanong, habang buhay na mag-iisip
kagaya ng kung ano nga ba talaga yung
kasunod nung nareceive kong text kagabing
“some text missing”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s