Nakalipas na ‘yon.

Ilang buwang walang tulog, Ilang buwang panunuyo, Ilang buwang pagpapapansin, Ilang buwang nakakabuwang. Ngayon makakahinga ka na dahil “oo” ang sagot n’ya.

Tama ba yung nadinig mo? Parang hindi ka makapaniwala ah? Gusto mong lumundag hanggang sa mauntog ka sa kisame, maramdaman ang sakit ng mabukulan? Ok lang bastat masigurado mo lang hindi ka nananaghinip. Yung babaeng matagal mo ng pinapangarap at minamahal ay mahal ka narin sa wakas. Naglalakad kang nakangiti sa gitna ng kalsada, hindi pansin ang etchas na naglipana, ok lang maapakan sila, ok lang maraming kotseng bumusina, ok lang murahin ka nila, wala kang pake sa iba. Basta sa araw na ‘yon ikaw ang pinakamasaya.

Ang dating “I love you” lang ay nasasagot na niya ngayon ng “I love you too”. Ang dating “hatid na kita” ay nauunahan na niya ngayon ng “sunduin mo ‘ko ha?”. Ang dating kamay na pinuhunanan mo sa wishing well ng mga trenta pesos na barya para lang mahawakan ay ipinapahawak na niya, at ng malupit?Lumalapat na sayong pisngi ang labi n’yang sadya ang pagkamarikit. Ikaw na, jackpot ka, sobrang saya mo, panay ang kantyaw nila sayong magpacanton ka, magpahipon ka, magpababoy pa! buwahaha!

Pero isang araw, basta bigla nalang nangyari, parang sobrang bilis, parang hindi mo namalayan, nagbago ang lahat, at ang pangarap mong magkasama kayo habang buhay ay biglang gumuho. Hindi ka pala niya talaga mahal, hindi pala s’ya naging seryoso. Ginusto mong lumundag ulit hanggang mauntog sa kisame at mangarap na panaghinip lang. Kaso hindi eh,gising ka eh, gising na gising. Masakit ang mauntog, masakit ang bukol, pero wala ‘yon kumpara sa sakit ng puso mong namatay, nilibing pero hindi ipinagburol.

Gusto mo s’yang tanungin, sumbatan, sabunutan,konyatan! Napagtripan ka lang ba? O masyado ka lang talagang umasa? Totoo ba yung mga panahong sinabi n’yang mahal ka niya? Totoo ba siya nung sinabi n’yang di n’ya kayang mabuhay ng wala ka? Totoo ba s’ya nung sinabi n’yang gwapo ka, sabay tumawa?hehe.

Yaan mo na yun pre, nakalipas na ‘yon. Hindi naman lahat ng babae ganon. Oo alam ko mahal mo parin ‘yon,pero redundant na pag nagpakatanga ka pa, mukha ka na kayang tanga.Pinanindigan? Pinaninindigan?Kumain ka ng madami bawiin mo lahat ng lakas mong nawala,wag ka ng magmukmok jan, tumayo ka na. Tsaka tigilan mo na yang kalokohan ng paggigym mong ginawa mo lang naman talaga para magpacute sa kanya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s