NAKAKAIRITA

tumblr_kv23sukjn01qaornpo1_500May becky na nakapagsabi sa’king kung sino
man daw ang gustong mag mukhang matalino,
dapat matutong maging kritiko. Kapag daw
kasi napapansin mo ang mga mali ng iba,
nagmumukha kang intelihente. Well, masubukan
nga.

Marami akong kinaiinisan tulad ng traffic,
ng tutong, ng hindi malamig na shake, ng mga
ipis na lumilipad, ng mga asong
pinapakawalan sa kalye kahit nangangagat
naman (aray), ng mabagal na internet
connection at marami pang iba. Pero ito ang
ilan sa mga paborito kong kainisan:

Naiirita ‘ko sa mga PASOSYAL

Teka lilinawin ko lang ha, sa mga PASOSYAL
at hindi sa mga tunay na SOSYAL.
Sino nga ba ang mga maituturing na pasosyal?

Para sa’kin sila yung mga taong:

a. Laging pinagyayabang na galing ibang
bansa yung bag, sapatos, damit, panty, relo,
kulangot at muta nila. Laging bukang bibig
yung tatak ng gamit kahit wala naman
nagtatanong tapos malalaman ko sa ukay ukay
naman pala binili. Walang problema magsuot
ng ukay-ukay pero yung mag feeling na
mamahalin yung damit at magyabang sa buong
kalawakan? Pwe, kacheapan. wahahaha
(Kontrabida Memes)

b. Ayaw kumain sa pantry or sa canteen dahil
kaylangan nilang kumain sa mga “MAHAL NA
KAINAN” para may maipost sila sa instagram.
Picture ng picture bago kumain, habang
kumakain, at pagkatapos kumain? First time
mo kumain teh?

c. Kapag may bagong gadget, bagong travel
adventure, bagong napanood na movie, bagong
biling tuta, bagong pabango, lahat na, ay
kwento na agad ng kwento. Yung iba nga
voucher palang hindi pa nahahawakan yung
binili makakwento na agad makapag yabang
lang. Kapag busy ka at nahahanginan ka sa
kwento n’ya kakalabitin ka pa para lang
masiguradong naririnig mo ang pabida n’ya.

Naiirita ako sa mga taong AYAW MAG-ABOT NG
BAYAD SA JEEP

Dito talaga ‘ko badtrip. yung tipong
pupwesto sa gitna tapos ayaw paistorbo?
Mabisang style ang kalibitin sila kapag ayaw
humarap kahit nakailang sigaw ka na ng
“bayad po, makikiabot”

Sila rin madalas yung ayaw umusog kahit
sobrang sikip na. May poot talaga ‘ko sa
kanila.

Naiirita ako sa mga USO-BIGAN

Term ko ‘yan sa mga kaibigang nakakaalala
lang kapag may bagong mauusyoso sa’yo. Yung
mga KAIBIGAN na wala kapag kaylangan mo pero
nakaka-alalang mag text, mag message sa FB,
mag telegrama (meron pa ba no’n?)kapag may
nabalitaang bagong chismis sa’yo.

Warning:
Mapapansin mo ang biglaang muling
pagpaparamdam ng mga USO-BIGAN mo kapag
nalaman nilang nawalan ka ng trabaho,
nabusted ka, niloko ka ng bf/gf mo, nahulog
ka sa imbornal, nakabuntis ka o nabuntis ka
ng wala sa oras at kahit na anong pagyayari
na negative sa’yo. Para dumamay o tumulong?
Mali! Sumusulpot sila para pagpyestahan ang
kwento mo, ichismis ka sa iba, at para
pasiyahin ang sarili at maramdaman na hindi
lang sila ang malas sa mundo.

Naiirita ako sa mga JEJEMON NA NAGDADRAMA SA
FACEBOOK, TWITTER AT SA UPUAN NAG BUS

Oo, jejemon man ay may puso din at damdamin
na marunong masaktan. Alam ko ‘yan. Kaso
kasi naguguluhan ako kung joke time ba o
seryoso na sila eh. Minsan nakakabasa ‘ko sa
wall ng:

“Xin4kt4n mo me, 4n6 s4kh3it sa h3ar+, pFero
M4h@l pFad!n k!+@”
(Ang hirap pala itype)

Yung iba mas mababa ang level at naantig na
ang puso ko pero bigla nalang akong
napapailing:

“Ginawa ko ang lahat sa u, minahal q pati
ang famili mow, ayaw na me mabuhay,
magpapakamatay na ko” :poop:

Ewan ko nalang! jejeje!

Naiirita ako sa mga POLITIKONG WALA PANG
KAMPANYA MAY PATALASTAS NA.

Wow huh! Nakakatuwa. Gagamitin pa nila yung
mga foundation nila. Sakto naman ata masyado
yung timing, halatang halata naman na
nagsisimula lang silang magpakilala sa mga
tao. Yung iba nga wala ng foundation eh,
basta nagpapakilala lang, kesyo anak daw
s’ya ng supultorero, mahal daw niya ng
kabataan, lalabanan daw n’ya ang kahirapan,
matulungin daw s’ya,mapagbigay, mabait, at
may ipot daw s’ya sa pwet.

Wala naman akong pakelam, pera naman nila
yung ginagastos nila (weh?). Ang akin lang
naman bakit ginagawa nilang tanga ang mga
Pilipino? Akala ba talaga nila na may
naniniwalang hindi pa sila nangangampanya sa
lagay na ‘yon? Ganito ba ang image na
pinapakita nila sa mga tao? Mga tuso?

Nakow, di ko kayo iboboto! Ay hindi pala ‘ko
rehistrado!

Naiirita ko sa mga NAGSISIGARILYO SA PUBLIC
PLACES

Sipunin ako sobra! Feeling mayaman ang
respiratory system ko dahil konting usok at
alikabok lang sinisipon na ka’gad ako. Pero
hindi na yun ang isyu. Naiintindihan kong
karapatan nilang manigarilyo pero
tinatapakan naman nila ang karapatan ng
nakararami na huminga ng sariwang hangin!
Kung badtrip yung mga mala biohazard na
utot, mas badtrip yung mga mala pang dragong
usok na binubuga ng mga BOY YOSI.

Kapag ako naging senador, hindi ko
ipagbabawal ang manigarilyo! Yehey! Pero
makukulong ang sino mang bubuga. So kapag
nanigarilyo ka, puro hitit lang at wala ng
bugahan. Lunukin mo yung usok. Gusto mo ng
usok diba? Solohin mo na. Kung ayaw mo? Dun
ka sa tamang lugar manigarilyo!

Naiirita ‘ko sa mga laging LATE

Wala na talagang puwang sa pasensya ko ang
Filipino time. Ang alas tres na usapan ay
hindi dapat nagiging alas sais o alas dos ng
kinabukasan. Para sa’kin respeto lang. Yung
iba kasi pabida lang, gustong huli silang
dadating para ayos na ang lahat, handa na
ang lahat at lahat ng tao makikita ang bago
nilang suot na gown na galing daw Singapore
pero totoo bigay lang sa baranggay nila para
sa mga NASUNUGAN.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s