AFTER 8 YEARS?

Bihira nalang akong sumakay sa LRT pero kanina kaylangan kasi nagmamadali akong pumunta sa sun shop. Mga five minutes sigurong antayan bago dumating yung tren. Nakatayo ako sa pinaka dulo ng bigla akong napalingon sa pangatlong pintuan ng tren mula sa pwesto ko. Parang kilala ko ata yun? Mula sa malayo, tinitigan ko syang mabuti. Bigla akong napa stomach in, ayos ng buhok, punas ng mukha gamit ang palad. Tae, s’ya nga.

Walong taong makalipas, hindi ko akalain na dun ko pa s’ya makikita. Parang gusto kong lumapit pero nag-aalangan ako. Parang hindi sakto sa lugar, tsaka may kasama s’yang dalawa pang babae, masaya silang nagkwekwentuhan habang nakatayo.

Nagkasya kong titigan nalang s’ya at obserbahan.may apat na istasyon pa bago ‘ko bumaba, sana lumingon s’ya. Makikilala n’ya kaya ‘ko? Lalapit kaya s’ya? Mapapasigaw kaya siya sa pagkagulat? Salamat naman kasi sa siko nung ate, naging malaking harang yun para magkatapatan yung tingin naming dalawa. PFFFFT!

May kalayuan ang pwesto n’ya sa’kin pero dahil nga sa tahimik sa LRT at sila lang naman ang walang pakundangan kung magkwentuhan, mejo nauulinigan ko parin yung boses n’ya ng konti. Walong taon makalipas, gano’n padin s’ya tumawa, mahina pero parang kinikiliti, abot tenga ang ngiti, halos mawala ang mata. Napailnig ako, napangiti, napabuntong hininga.

Tinitigan ko s’yang mabuti. Baby pink na blouse? Hindi padin s’ya nagbabago. Parang hindi na s’ya tumangkad pero maganda parin s’ya. Pero ibang ganda na,hindi na katulad nung dating masasabi mong cute at sweet. Matured na.

V. MAPA na, kaylangan ko ng bumaba. Napangiti nalang ako at natatawa sa mga tumakbo sa isip ko sa loob ng siguro lima o sampung minutong ‘yon.Bye bye na!

Pero nagkaroon ng bagong excitement ang kwento kong papamagatang kong BALIWBALIWAN Y ABNORMAL ABNORMALAN. Bumaba din sila sa v.MAP at ngayon sa hagdanan nasa likod n’ya ko, mismong likuran. Napansin kong hindi na gano’n kaganda yung buhok n’ya. Nakakalungkot kasi yun pamandin yung paborito ko sa kanya dati nung kami pa. Palmolive pink parin kaya ang shampoo n’ya?

Ayun pinasok na yung ticket sa machine. Nakakapagtaka hindi padin n’ya ‘ko napapansin. Kumaliwa ako, kumanan sila. Umasa ‘kong lilingon s’ya kaso hindi eh, olats talaga.

‘Di bale may next time pa naman. After 8 years ulit!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s