Bili na ng Pampabango ng UToooooooT

Tatlong beses. Oo Tatlong beses na ‘kong nakaranas nito. May mga strange na tao na aatend sa church n’yo tapos pag tapos na ang service at handa ng mag-uwian, magpapaalam sila bigla at magdedemo ng mga products na ibebenta nila.

 

Pinaka epic fail.  Ok bilang paggalang, makikinig ako. blah blah blah. Sila yung mga taong napapabilang sa networking business. Nagbebenta sila ng pamputi, pampatangkad, pampalusog ng atay, ng kidney, tyan at ng buhok sa kili kili. Nagbebenta din sila ng napkin, ng kape, ng tsaa, tsokolate, ilaw at kung ano pang naiisip mong pwedeng ibenta ng mahal. Mga napaka energetic na tao at mga matatalas magsalita ng tagalog. Ipaparamdam sa’yong nagsiyaman sila dahil sa business na networking. Ipaparamdam nila sa’yong mahirap ka at mangmang dahil hindi  ka nagbebenta ng kapeng  pampalambot ng tae. Marketing Strategy!

 

Wala sa’king problema kung nagbebenta sila sa bus, sa tren, sa bahay, sa opisina, sa kalawakan sa banyo sa paaralan at sa loob ng shell ng pagong at kung saan saan pa. Pero sa simbahan? Good idea! Tanda ko dati eh umattend ako ng isang youth convention para sa mga christians. Ayos! Isang oras at kalahat ang service pero after no’n eh sumingit ang mga tauhan ng kumpanyang nagbebenta ng tablet na pampabango ng utot. Naudlot ang pag-uwi namin at sapilitang nakinig sa mga kwento nilang tumagal ng hindi bababa sa tatlong oras. Sa’kin parang katumbas yun ng hindi bababa sa tatlong saling lahi. Ang dami nilang sinabi, pero naging walang katuturan sa’kin yo’n. Kada pagsasalita nila at pag banggit sa product na ibinebenta kaylangan naming pumalakpak. Sige lang pagbigyan.
Pero may isang epic fail na naganap

 

Agent: Kita n’yo naman diba talagang napaka halaga sa buhay ng tao ng SCENTED UTOT TABLET! WOOHOOOO! Siguradong number sa market ‘to!

 

Kaso pagod na ang mga audience at hindi na pumalakpak. Biglang nainis yung agent

 

Agent: Palakpak naman kayo, para sa PANGINOON ‘yan!

 

Ansabe? Pakiulit? Palakpak daw kami dahil para sa Panginoon yung pagpalakpak namin? Anong connect?
Doon na talaga nagsimulang mamawis ang anit ko. Ginagamit na nga nila ang simbahan para kumita ng pera eh ginagamit pa ang Diyos para mang uto ng tao. Nakakaawa sila. Nakakainis oo naiinis ako. Sige na Corny ako at KJ dahil nakekealam ako sa mga bagay na hindi pinapakelaman ng mga taong cool at astig. Corny na kung corny.  Hindi sa matuwid ako banal o kung ano pa man. Tulad din ako ng mga preso sa kulungan na may kasamaang taglay. Pero kahit grade one alam na ang simbahan ay lugar lamang para sa pagsamba sa Diyos! Hindi para sa pagbebenta ng kung ano pa mang gamot. Kahit pa ang rason mo ay gusto mo lang naman tulungan yumaman ang mga taong hikahos o di kaya’y gusto mo lang silang lumusog. May tamang lugar at pagkakataon para sa ganyang mga bagay.

 

Pasensya na kung masakit ang mga salitang binitawan ko. Alam kong madalas mangiliti ang panulat na hawak ko pero wala namang ballpen na hindi nakakatusok.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s