HINDI PA PWEDENG UMUNLAD ANG PILIPINAS

Reason #1

Kapag umunlad tayo, lahat ay may pagkakataon ng makapag-aral. At kapag lahat tayo ay nakapag-aral na, malalabanan na natin ang kahirapan. Kapag wala ng mahirap, mawawalan na ng pulubi sa daan. Sino nalang ang lilimusan ng barya ng mga taong gumagawa lang ng “MABUTI” kapag sinusumpungan sila ng “KABUTIHAN”

Reason #2

Sino nalang ang papayag na bilhin ang boto nila kapag eleksyon kapalit ng P300? Mawawalan na tuloy ng puwang ang lagayan sa eleksyon, sayang naman!

REASON #3

Sa pag-unlad natin, magiging matalino na ang mga botante sa Pilipinas. Nakakatakot maisip na mawawalan na tayo ng pagkakataon na magkaroon ng mga politiko na magagaling lang kumanta, mgagaling lang sumayaw, mestizo at poging pogi. Pa’no nalang ang pangarap kong maging Presidente natin si Randy Santiago?

REASON #4

Kapag kinikilala na sa buong mundo ang galing ng Pilipino, sino nalang ang aasarin ng mga taga ibang bansa na unggoy? Sino nalang ang maghuhugas ng tumbong ng mga matatanda sa mga bansa sa kanluran? Mababawasan ang mga bayani natin dahil baka wala ng maging OFW, at malulugi ang ABS-CBN dahil wala na tayong tatawaging TFC subscribers.

REASON #5

Mawawalan din ng taga kain ng pagpag (tiratirang pagkain) sa mga fastfood chain. Mawawalan na tayo ng mga batang nanlilimos sa lansangan, mauubos na rin ang mga taong grasa sa daan, mawawala narin ang mga taong laboy na walang masilungan kapag umuulan. Sino nalang ang dadamputin ng mga pulis at aakusahan ng kung ano anong krimen kapag hindi nila matunton kung sino talaga ang kriminal?

REASON #6

Maaaring wala ng pumatol na maging audience sa mga shows sa tv tulad ng willtime bigtime, HAPPY YIPEE YEHEY at mga katulad. Tuloy eh mawawalan na sila ng mga taong bibigyan ng kakarampot na pera pagkatapos pagmukaing tanga sa buong mundo habang pinapasayaw at pinapakanta ng mga kantang grade one ata ang nagcompose. Minsan mapapagalitan pa sila kapag hindi sooooobrang mukhang tanga yung ginagawa nilang pagsayaw. Haaaay, ang sarap talagang pagtripan ang mga taong walang makain at hikahos sa buhay.

REASON #7

Baka magkaron na ng hustisya sa Pilipinas at maipakulong na yung doctor na nag-opera dun sa anak nung ugod-ugod na pulubi dun sa may sa’min. Ang siste eh nagpaopera sila dahil malabo ang mata nung anak n’ya. Nagkamali sa operasyon at napatid yung ugat sa mata, ayon natuluyan mabulag. Pero dahil nga walang hustisya sa mahihirap, eh hindi na nagawang lumaban ng kaawa-awang mag-ina. Inang ugod-ugod, at anak na bulag, tapos sa kalye lang sila nakatira. Sana wag pa talagang umunlad ang Pilipinas, dahil kawawa naman ang pamilya nung doktor kapag nakulong s’ya, hindi na sila makakapag pa-spa 4x a day.

Hindi pa talaga handa ang Pilipinas na umunlad. Takot ang mga tiwaling makapangyarihan na baka hindi na nila mabali ang batas kapag masyado na ‘tong organisado. Takot ang ilang Mayayaman na maging kalebel nila ang mga taong may amoy sa katawan pero may likas na talino ngunit hindi nga lang nabigyan ng pagkakataon na malinang at matuto. Takot ang mga Artista na baka wala ng mga umidulo sa kanilang fans, na minsan eh mas magaling pang umarte sa kanila. Takot din sa pag-unlad ng Pilipinas maging ang mga pasaway na maralita. Kapag maunlad na ang pamahalaan natin, sino nalang ang sisisihin nila kapag patuloy silang naging mahirap at miserable dahil mas pinili nilang mag-asawa ng wala sa oras, mag-anak ng sandamukal, mag pasaway sa eskwela at matanggal sa trabaho dahil nahuling gumagawa ng blog sa opisina sa halip na magtrabaho.

Tara! Halika! Sa panawagang pigilan ang pag-unlad ng sinisinta nating BAYAN!

Advertisements

One response to “HINDI PA PWEDENG UMUNLAD ANG PILIPINAS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s