Mga The Best na mga Bagay Hayskul Mode

1. Bentang benta sa’kin dati ang mag cut ng klase. Ang laging senaryo eh mag-aabangan kayong magkakaklase sa may gate ng school tapos hihikab hikab na magyayayaan na huwag nalang pumasok.  Bawat tanong ng “papasok ba tayo?” ay sobrang mapanukso at nakakaigayang sagutin ng “wag na kakatapos lang naman ng periodical test eh” patay na. 
 
Hindi ko alam sa iba pero trip na trip namin dating magkakaibigan yung hindi kami papasok tapos maglalaboy kami sa kamaynilaan.  Uubusin yung oras sa Quiapo, sa Raon, sa Recto at kung saan saan pa.  Madalas lakad mode pa kasi mga wala kaming pera. Tambay sa bulok na mall (oo bawal sa SM pag nakauniform) tapos kain sa mga karinderya. Feeling grown ups kami, galit sa mundo, laging gusto ng kalayaan.. ganon ata talaga ang highschool life.
 
2. Sino ba ang hindi nag-aantay sa mga event sa school? Tulad ng buwan ng wika, nutrition month, english month, science month, hekasi month (meron ba nun?), Valemtimes, foundation day, Teachers’ day, Christmas party at kung ano-ano pa.  Eto yung panahon namin dati para pagtawanan yung mga kaklase naming magpeperfrom sa stage.  Mga kaklaseng mag cocostume ng repolyo kapag nutrition month, mga kakanta kanta para sa teachers tapos pipiyok, mga becky na sasayaw at kung ano ano pa. Madalas ding walang klase kapag may mga program kaya talagang heaven! Never akong hindi pumasok kapag walang klase pero may pasok.. ha? gets mo ba?
 
3.Naging pangsagip buhay ko din dati ang mga activities sa umaga after ng flag ceremony.  Yun bang mga program at misa..oo misa kahit hindi ako katoliko.  Math ang first subject ko nung 4th year at madalas na yun ang natatamaan ng misa at program.  Napakasaya! Walang first subject, ligtas ako sa quiz, assignment, pasahan ng project at kung ano ano pa!
 
4. Karamihan sa mga kakilala ko eh sa highschool nakaranas ng first relationship. Kaakibat n’yan ang unang ligawan, Unang HHWW (holding hands while walking) unang akbay, unang halik sa pisngi, maaring unang halk sa weeeew kay tamis na labi at kung matikas ka, unang pagbasag sa karupukan ng kemerot na boom boom paw! Hmmm girlfriend na amoy baby cologne , buhok na amoy palmolive pink, magkatabi buong araw, PDA sa quadrangle at di matapos na kantyawan.  Isa yan sa mabibigat na rason kung bakit ako pumapasok dati kahit sobrang tamad ko. Hay mga anghel sa lupa sa eskwelahan
 
5. Paborito ko din dati ang mga group activities sa classroom.  Patok sa’kin ang mga kaharutan sa reporting, mga role playing at kung ano-ano pa. Gusto ko yung bagay na magpapalabas sa’kin ng super energy. Taon taon ko din inabangan yung pagluluto ng mga kakalase ko sa HELE dati.  yung tipong pagandahan kami ng pagpresent ng mga putahe, dapat madami at dapat lahat masarap.  Daming pagkain at talagang inaabuso ko yun. Alam kong higit sa lahat ay  paborito rin yun  ng mga guro namin, alam ko.
 
6. Pampasaya din sakin dati ang pagdating ng mga ST/INTERN/PT/KUYA/ATE. Sila yung mga ipinadadala ng mga eskwelahang pangkolehiyo para mag sanay  ng pagtuturo sa mataas na paaralan.  Inaabangan lagi naming  magkakaibigan kung maganda ba at sexy ang magiging ST (student teacher) namin.  Kung  hindi naman maganda, sana man lang ay mabait at handang makipag kwentuhan at magpayo sa makukulit na estudyante.  *may crush kami dating dalawang student teacher nung highschool clue: isa sa Filipino, isa sa English. wahahah,, pero nakalipas na yun. Idol na namin sila  ngayon
 
7. Simple lang ang kasiyahan ko.  Konting foodtrip lang ng mga katropa ok na ko.  Sasabayan  ng gitara, kantahan, tugtugan sakto na yun! Paborito ko dati yung puding, hopya, cheesy donut, at mga pagkaing kalye. Kami nung mga katropa ko eh yung tipong mga hindi kumakain ng kanin kapag vacant period.  Milo milo lang katalo na, sasabayan ng mga tinapay pati ensaymada. Mas trip naming ipang computer o kaya ipang studio (music studio) yung baon namin

8. Kasing dami ng mga raketa ng badminton yung mga gitarang daladala ng mga estudyante sa’min dati. Sa highschool tayo lalong na expose sa musika di ba?  Naggigitara kami habang hindi pa dumadating yung teacher, kapag vacant period, kapag nag cut ng klase, at minsan kahit uwian na eh nag-stay pa kami sa school para makapag jam.  Kahit paulit ulit na TORETE, ALAPAAP, HULING ELBIMBO na ang naririnig mo kakatugtog n’yo eh ok lang. Yung bonding moment naman yung mahalaga.  Samin eh maraming nabuong pagkakaibigan dahil jan sa mga jam na yan.

9. Hindi ako masyadong sigurado sa mga private schools pero karamihan sa mga public schools na alam ko eh mayroong nagaganap na taunang sabayang pagbigkas at jingle competition. Eto yung pasiklaban ng iba’t ibang sections.  Ginugugulan ‘to ng matinding ensayo at panahon.  Isama mo pa ang perang iniiyakan para sa mga costume at hindi  rin matutumbasan ang pagod na iginugugol dito. Pero hindi kayang itanggi, isa ito sa mga HINDI MAKAKALIMUTANG karanasan sa highschool. Dito nabubuo yung unity ng buong section. Dito din lumalabas ang mga  natatagong kulit ng mga kaklase mo. Dahil nakasalalay dito ang karangalan  ng section n’yo, talagang magiging determinado kayong ibigay ang best n’yo, kahit magmukhang tanga, kakalimutan ang hiya at kahit late na umuwi at mapagalitan ng magulang dahil sa practice, wafakels at ok lang.  Pero syempre hindi padin mawawala ang mga walang pakisama at mga pasaway katulad ko.  Oo hindi ako sumali sa mga ganyan dahil ayaw kong magsuot nung mga required na costume na babakat yung totoy mola mo.wahahah! pero  sumasama ako sa lahat ng practice, taga cheer, taga nood, tagapag  bigay ng komento. epal in short.

10. The best din para sa’kin ang mga field trip. Educational daw ito sabi ng mga teacher namin kaya naman wiling wili akong sumama sa mga ganyan at gumastos ng pera kahit bubwit nalang ang inuulam namin sa bahay.hehe!

Pupunta kayo sa enchated kingdom o starcity kung saan matututo kayong tumili at sumigaw. Pwede din sa mga museo kung saan matututo tayong mainip. Pupunta sa splash island kung saan matututo tayong manilip sa magagandang kaklaseng naka bikini, at sa enchanted kingdom ulit kung saan ako natutong mangagat ng kaklaseng pinipilit akong sumakay sa anchors away. 

Sabi nila it’s the journey, not the destination.  Para sa akin tama ‘yan.  Wala akong pake dati kung saan man ang field trip namin.  Para sa’kin pinaka masaya padin yung nasa bus kayo. Nagkukulitan, kumakain ng chichiria, nagkakantahan at naglalaro at ipinagyayabang ang bago mong gameboy advance.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s