TELESERYE ANG TOTOONG BUHAY

 

 

 

Ang teleserye ba ang gumagaya sa totoong buhay o ang totoong buhay na ang gumagaya sa mga teleserye?

 

Itaas ang kamay ng nagkaroon na ng gf/bf!  Itaas ang kamay ng mayroon ng asawa! Itaas ang kamay ng nakaranas ng magkatampuhan sila at mag-away ng gf o bf n’ya sa daan! paktay tayo jan

 

Ito yung pinaka nakakabadtrip na feeling na nakakahiya na nakakagigil ng gums, nakakangilo ng ngipin at nakakapagpasakit ng t’yan. Alam mo naman kasi na artistahin ka, hindi mo nga lang nalaman na sa kalye ka pala gagawa ng pelikula.  Andiyan yung  maghahatakan kayo sa daan dahil ayaw na n’yang sumama sa’yo. Magsisigawan kayo, may iyakan, may sumbatan at may mga taong nagtatawanan sa kapaligiran.  Epic fail pa pag naging histerikal na s’ya at nagsisisigaw.  Para bang gusto mo ng bigwasan o kaya paamuyin ng amonya.  At hindi mo na gugustuhin pang makita ang pang tv patrol na eksenang tatakbo s’ya sa kalye tapos magpapasagasa. oh my gulay nakakahiya!!

 

Meron akong isang kaklase dati na ang tawagan ay wee-wee at pupu.  Naghiwalay sila ng biglaan at naganap yun sa daan. Walk out si pupu sabay sigaw si wee-wee ng “Iniwan kita kasi mahal kita” muntik akong  matapilok ng sadya nung marinig ko yun.

 

Nakakita narin ako sa Cubao ng isang lalake na pinipilit pauwiin (yata) yung asawa n’ya.  Mukang nag away sila ni ate sa gitna ng  romansahan dahil tipong nighties pa yung suot n’ya.  Grabe murahan sila ng murahan at talagang nagsasakitan. Puro kalmot si kuya at halos mahubaran na si ate.Pyesta ang mga tambay, wala man lang tumulong, lahat ay nag-abang na tuluyang mahubaran si ate, este nag-abang na magkaayos sila. Ako?? tutulong dapat ako, kaso umandar na agad yung jeep na sinasakyan ko, tsaka bc kasi ako nun eh.. sa pag upo. Tao nga naman gagawa ng lahat ng dahilan para hindi makatulong.

 

 

Yan yung tinatawag kong PDA.  dehins yan Public Display of Affection. Para sakin Public Display of Anger, o kaya Pampublikong Digmaan at Awayan.  Hindi ko alam kung minsan hindi lang talaga tayo makapagpigil ng emosyon o sadyang gusto lang natin ng konting drama na nagiging katatawanan sa iba. Baka naman kasi masyado ng masakit, baka sumosobra na s’ya kaya sumabog ka na.  Baka naman sobrang mahal mo s’ya kaya hindi mo inasahan na masasaktan ka n’ya.  Baka gumuho bigla ang lahat ng pangarap at pangako baka…… baka… hindi ko alam.. bakit nga ba?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s