busTED failon

Lahat ibinigay mo na –  rosas, tsokolate, love letters, kwintas, singsing, hikaw,hikaw sa ilong, hikaw sa pusod, damit, t-back, t-front, t-side, laptop, iphone 4 32gb, pande coco, pandesal, pandesal with reno, kalihim na pula, kalihim na blue, kabayan at lahat lahat na!

 

 

Ibinaon mo ang mga sarili mo sa mga pangakong papakasalan mo s’ya sa lahat ng simbahan, ibibigay mo ang walang hanggan, susungkitin ang mga bituin sa langit, at magpapaalipin ka sa kanya habang buhay.  Araw-araw ubos pera.  Hindi ka kakain mapasaya lang s’ya.  Hindi ka papasok maalagaan lang s’ya. Magpapaload ka agad agad basta magtext s’ya. Ililibre mo s’ya ng Chicken joy kahit sobrang gipit ka na, tapos pag uwi mo mentos nalang ulam mo para bukas malibre mo ulit s’ya.

 

 

Lahat ginawa mo. Higit sa ano pa mang kaya mo.Ssa kabila ng kantyaw, sa kabila ng babala, sa kabila ng sinasabi ng IBA.  Takip tenga, ipon luga!

 

 

Namayat ka ng tatlumpong kilo sa panliligaw sa kanya ng tatlong daang dekada tapos makikita mo s’ya may sinagot ng “BAGONG KAKILALA”

 

Anak ng tae ng ipis na pink na galing sa norzagaray naman oh!!! Gano’n ka ba kapangit?  Hindi ba n’ya trip ang porma mo? Kulang pa ba? Kulang pa ba ang effort? Kulang pa ba ang pangako? Kulang ka ba sa pagkamacho? Nananaghinip ka ba? O wow mali lang ‘to?

 

 

Sobrang sakit ang makita silang magkasama araw-araw.  Nakakababa ng pagkatao, nakakababa ng pagkalalake. Ang isang daang taon mong sinuyo at pinaghirapan, nakuha lang ng iba sa isang kindatan? Ano bang meron s’ya? May kakaibang da moves ba s’ya? Gumamit ba s’ya ng gayuma o mas masarap lang ang pandesal with reno n’ya?

 

 

May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag at tanggapin.  Isa na d’yan ang pagkatalo.  Ito’y lalo na kung malaki ang itinaya mo, kung ibinigay mo ang lahat, kung ibinigay mo ang buo.  Hindi maaalis sa’yo na mag-akusang nadaya ka o hindi naging patas ang laro, sige umiyak ka magsumbong ka sa nanay mo tulad nung ginagawa mo nung bata ka pa kapag naubos ang holen mo. Kung yun ang makakagaan ng loob mo ay pagbigyan mo ang sarili.  Napagod s’ya sa laban, nadoble yun nung kayo’y natalo.  Pero tandaan mong magkaiba ang pagpapahinga kaysa sa pagsuko.

 

 

Isipin mong hindi s’ya ang para sa’yo. Hindi ka nagkamali nung minahal mo s’ya at ibinigay mo ang lahat.  Maaring s’ya ang nagkamali dahil hindi n’ya pinahalagahan ‘yon. Isipin mo s’ya araw-araw para lagi s’yang ma hatsing (achu!!), pagkwentuhan n’yo s’ya palagi ng mga ka-tropa mo para lagi n’ya makagat dila n’ya (araaay), i-misscall mo s’ya sa madaling araw para  maudlot tulog n’ya (eyebags).  Tawanan mo ang nangyari, makakakita ka rin ng bago. Kung mabigo ka, try ulit ng  try, kung nakaka 1,458,436.56 na busted ka na ay wag parin mawalan ng pag-asa….. Tandaang laging may beckymon na  handang sumalo sa’yo sa gitna ng kalungkutan at ng kagipitan tapos may 300 ka pa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s