SA PAGPANAW KO

Kung mamamatay ka bukas, bakit hindi pa ngayon?

Madalas na tanong ng mga naglolokohan pero minsan isang beses ay gumulantang yan sa isipan ko. Oo nga noh. Ang bukas ay walang hanggan at ang tanging sigurado ay ang ngayon.

Walang makakaalam kung kailan ako mamamatay. Pero kung sakali mang ngayon, maswerte ako dahil nabigyan ako ng pagkakataon masulat ‘to bago man yun mangyari.

MGA HULING HABILIN:

Gusto ko maingay sa burol ko. Maraming kumakanta at iplay nyo lang ng tuloy tuloy yung mga kanta sa music player ko. Wag n’yo na ‘ko paghandaan ng favorite kong chicken at spaghetti dahil baka magmukhang children’s party ang burol ko. Tatlong araw n’yo lang ako iburol para hindi na kayo matagal na magluksa. Huwag na din mag arkila ng crying ladies. Huwag ng masyadong magiyakan dahil ayaw kong makitang malungkot ang sino man sa inyo. Alam n’yong isa sa mga paborito kong kulay ang pink pero wag n’yo ng gawing pink ang kabaong ko mas type ko ang purple o kaya lavander. Paki bura ang facebook account ko dahil baka may nakakabadtrip na bumati sa’kin ng happy bday pag nakita nila sa events na bday ko eh hindi pala nila alam na patay na ko. Ipa-cremate n’yo nalang ako pero paki sabi na lagyan ako ng anesthesia kasi masakit ang mapaso. Wag n’yo naman sanang gawing ashtray ang vase ko. Ipatugtog ang teach me how to dougie habang umaandar ang caro.

Sa 3,458,456,478.33 kong X-GFs, punta naman kayo bilang huling pamamaalam. Yung mga panty nga palang inambag n’yo sa panty collection ko ay pwede n’yo ng bawiin. Kunin n’yo sa second layer ng drawer ko, iwasan lang na magkapalit palit, dahil diba lahat yun ay gamit na? Magdala din ng gas mask.

Sa mga kaklase, Katrabaho at mga kaibigan. Alalahanin n’yo ko sa kung pa’no ‘ko nagpakilala sa inyo. Punuin n’yo ang kabaong ko ng mga message n’yo na para bang memorabila sa graduation. Wag n’yo na sanang sulatan pa ang kabaong ko ng malaking etits tulad ng ginagawa natin sa mga pader nung nagaaral pa tayo. Ikwento n’yo ako sa mga pamangkin at mga magiging anak n’yo. Gawin n’yo akong bida sa kwento n’yo sa kanilang pinamagatang “Wag na Wag Tutularan”. Sayang hindi ko na kayo inabutang magka pamilya, Hindi na nakapaglaro ng sabay sabay ang mga anak natin.

Sa mga kapamilya ko. Mahalin n’yo ang isat isa. Wag ng magtalo talo kung kanino mapupunta ang mga gamit ko. Piliin kung kanino kasya ang mga damit ko. Wag kayong masyadong malulungkot dahil hindi satin uso ang mag emote. Sa kapatid kong bunso, sayo nalang ang wallet ko.Makikita mo dun yung matagal mo ng hinahanap na picture ni cristine reyes. Oo hindi yun nawala, napulot este pinulot ko yun sa loob ng wallet mo. Kunin mo, sinasauili ko na ulit sa’yo. Yun nga palang picture ni Aubrey Miles, nakita ko na pinulot din ni kuya sa wallet mo. Sa mga minamahal kong nanay at tatay at lola. Salamat sa inyo dahil ang tulad kong ka-abort abort ay binuhay n’yo at napagtyagaan n’yo pang patagalin ng dalawamput isang taon. Promise lagi ko kayong dadalawin..yay…!!

At sa nag-iisa (promise nag-iisa) kong sinisinta. Kilala mo kung sino ka. Paalam. Walang magandang paraan para magpaalam. Pasensya na hindi ko kinaya ang pangakuang walang hanggan. Hindi porket nadeads ako ay lumimot na ‘ko sa pangako,kung totoo ang reincarnation pipiliin ko paring ikaw ang mahalin ko. Oo kahit mareincarnate ako bilang cactus. Wag mo ng isipin pang sumunod. Steady ka lang dyan text text nalang. Tipidin mo ang luha mo dahil hindi ko yun gustong makita. Basahin mo araw-araw ang diary ko, itabi mo ang mga sulat ko sa’yo at paminsan minsan alayan mo ‘ko ng kanta bago matulog gaya ng lagi mong ginagawa nung buhay pa ‘ko. Isipin mo nalang na katabi mo ‘ko, dahil kung pwede yun ay yun padin ang gagawin ko. Huwag kang matakot magmahal ng iba at iwasan mo ang lagi akong ikwento sa kanya. Bigyan mo ang pagkakataon ang sarili mong maging masaya ulit pagkatapos kong pumanaw. Bahala ka na sa mga perang inipon natin sa loob ng apat na taon para sana sa kasal at pagpapamilya natin. Gamitin mo ‘yon para sa’yo. Baka maispan mo ulit mag-aral, Tumakbong kagawad, sumali sa Ms. Brangay, Mangibang bayan o kaya ay magtayo ng foundation. Malaki na din ang maitutulong ng P350.00 na naipon natin. Yung matitira ipang tayo mo nalang ng business dun sa may Ortigas.

Naalala ko pa ang biruan namin dati ng kaibigan ko nung high school na pag namatay kami ay papalagyan namin ng HAPPY GRADUATION ang nitso namin. Ang bata pa namin nun puro kamatayan na ang usapan namin. Tumatawid pag GO ang mga sasakyan, pataasan ng talon sa hagdanan ng eskwelahan at puro suicide attempt na para bang hinahabol namin ang kamatayan. Mas handa kang mamatay, mas astig ka. Pero pag-andyan na pala at totohanan na ay ang hirap tanggapin, parang gusto mo mag time first, parang gusto mo nalang mag sorry. Kung mamatay man ako, gusto ko matapos ang buhay ko sa natural na paraan. Ayaw kong masagasaan na luwa ang mata parang pusa. Ayaw kong mabaril at sumabog ang utak sa daaan sabay ipakain sa pusa. Ayaw kong malason sa pagkain ng pagkaing inihanda para sa pusa namin. Higit sa lahat napagtanto kong ayaw kong kitilin ang sarili kong buhay sa pamamagitan ng pagkain ng isang kutsarang asin gaya ng ginawa ko sa unang suicide attempt ng buhay ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s