Ang Tunay na Lalake, Laging may Extra Rice

Pasensya ka na sa isang ‘to.

Feeling ko talaga unfair ang mundong ito sa mga katulad kong ehem! LALAKE (sabay haplos sa bigote). Maraming umaalipusta, bawat galaw minamatyagan. Ang pagkalalake ay laging pinagdududahan.

Bonjing ka kapag malake ang tyan mo, pero kapag nag gym ka, aakusahan ka namang bading. Hindi ka pwedeng umiyak kahit maka apak ka pa ng kalawanging pako. (tip: kagatin ang labi at imaginine ang mga masayang araw ng pagkabata para malimutan ang sakit na nadarama). HIndi ka dapat takot sa hapiding dala ng alcohol. Bawal ka ding makipag beso beso sa kapwa mo lalake (suka!!). Dyahe kung maghoholding hands kayo sa daan, kahit para alalayan lang ang isa’t isa sa gitna nag galit na ulan at umaapaw na baha. Hindi ka rin papayagan ng mga magulang mo na mag bra kahit ang taba taba mo na at bakat na bakat na ang boobs mo kapag naka white tshirt ka. Maging sa mga damit. Bakit ang mga babae may pekpek shorts? Bakit ang mga lalake wala namang….ahm.. eh.. uhmmmmm… titi short?? O kahit itlog short man lamang?

Kapag nag-aaway ang mga magsing irog, hindi pwedeng hindi magpatalo ang mga lalake kapag umiyak na ang mga babae. Kalabisan ang bigwasan sila kahit kanina ka pa nila sinasabunutan at binubunutan ng burnik. Ang sama ng tingin sakin ng mga tao kapag hindi ako nagpapa upo ng babae sa bus. Aba, bat sila sumakay nakita na nga nilang puno eh, tsaka sabi nila diba lahat ng kayang gawin ng lalake kaya na din ng babae? Kaya sige hala tumayo kayo jan sa bus, sumabit kayo sa jeep. Pero nakukunsensya din naman ako. Pinapaupo ko ang mga may anak,buntis at matatanda.. pati magaganda at ang mga sexy ay kinakandong ko nalang. Pero kung commoner ka lang, nagtutulugtulugan ako!

Inutil kang ama kapag wala kang trabaho, pero layo naman sayo ang pamilya mo kapag subsob ka dito. Tutuksihin ka ng babae at pag may nangyari sa inyo, aakusahan kang mapagsamantala sa kahinaan ng iba. Hindi ka pwedeng umiyak kahit niloko ka na ng babaeng minahal mo kahit harap harapan pa. Dapat lagi kang masarapan sa lutong caldereta ng asawa mo kahit lasa yung binagoongan. Dapat lagi kang may pera. Sagot mo ang lahat mula palang sa ligawan, sa relasyon nyo, sa kasal at maging sa pagpapamilya. Hindi ka dapat marunong magpahinga. Kapag late ka nakauwi dahil sa overtime, siguradong paghihinalaan kang may babae.

Kung may blackberry lang si lapu lapu, malamang i-BBM na ko nun o kaya i twit ng “pakyu ka jophel”. Malamang i-unfriend ako ni Gabriela Silang dahil sa mga sinabi ko. Pero gusto ko lang naman maintindihan kung bakit para bang sobrang hirap maging lalake sa mundong ‘to? Bakit ang daming alituntunin na dapat sundin? Akala ko ba ipinaglalaban sa mundo ang equality? Bakit ang mga babae ay asteeg kapag nakakagawa ng mga gawaing panlalake pero ang lalake pagdududahan kapag magaling mag kulot ng buhok o magbunot ng pilik mata? Bakit tatawaging mahalay at manyakis ang lalake na hindi mapigilang mapatingin sa mga babaeng naka micromini short, plunging neckline na abot pusod at backless na kita ang kutipot? Bakit pa nila yun sinuot kung ayaw naman nilang tignan namiin? Kasalanan ba namin na napatingin kami, o kasalanan nilang nagsuot sila ng ganon? Ganito ba talaga kaistriko maging lalake kung kaya ang ilan sa amin ay nagshi-shift ng course at nagcocosmetology nalng? Masisisi mo ba ang mga dating macho na naburn out sa mga rules na ‘to at napagdesisyunan nalang na maging BADAF?

Malamang may naiisip kang sagot ngayon sa isip mo na nagsisimula sa “SYEMPRE” o kaya “GANO’N TALAGA”. Tapos???

nakasanayan lang ata kasi talaga

hay kelerkey! oooopppsss…

Advertisements

3 responses to “Ang Tunay na Lalake, Laging may Extra Rice

  1. Ang galing. Pero sino ba mas dapat tanungin, kayong mga lalaki, kaming mga babae, o tayong lahta? Ang lipunang nagbigay ng impresyong dapat ganito, dapat ganyan? Kasalan din ba ng mga babaeng hindi takot mahusgahan? Na okay lang umiyak kahit sa jeep, kahit naglalakad? Bakit hindi nyo basagin yung “impresyong” tayo din ang gumawa? Sabi, malalakas daw ang mga lalaki, pero takot kayong masabihang mahina. 😀 Hehe. Wala lang naman.

    • buti nabasa mo ‘to. Alam ko kasi lagi kang may magandang sagot sa mga magugulong tanong tulad nung sinulat ko. ayows, maganda yung point mo?? pwede bang sumulat ka ng point of view naman ng mga babae? Excited na ko dun,, baka mas maintindihan ko pag may ibang nagexplain sakin… antayin ko ha?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s