BALIK TANAW

Isang umaga pagkagising ko bago pumasok sa office eh  napatitig ako ng ilang minuto sa salamin.  Matagal akong napatulala.  Bukod sa napansing kong sobrang gwapo ko padin talaga eh napansing kong ang dami na palang nagbago.  Parang kahapon lang ang lahat kagaya nga ng sabi nila.  Parang kelan lang yung unang beses na  pumasok ako sa eskwelahan.  Kelan nga ba yung unang pagkadapa ko dahil sa mataya taya?   Sino nga ba ang unang gurong nagpaiyak sa akin?  Ano nga ba yung unang papuring natanggap ko sa paaralan?  Sino nga ba ang mga una kong mga naging kaibigan?  Sino sino ba ang mga naging kaibigan ko?  Sino sa kanila ang nanatili at naging totoo?  Sino nga ba yung kaklase kong naihian ko sa mukha nung play namin nung kinder?  Magkano nga ba ang pamasahe nung mga panahon na ‘yon?  Tanda pa kaya ako ng mga manong driver na minsan kong hindi binayran sa gamit ang iba’t iba kong rason at palusot?  Tanda pa kaya ni kuya sa canteen nung elementary na tinuring kong katropa kahit 20yrs mahigit ang agwat namin? nasaan na kaaya ang una kong minahal?  May asawa na kaya ang mga crush ko dati?  Sino  kaya yung misteryosong classmate na nagbigay sakin ng love letter nung highschool?  Sa’n na kaya napunta ang mga guro, kaibigan,kaklase, at mga taong nakilala ko sa halos labinglimagn taon na pag-aaral ko? May mala “BALIK TANAW” moments din kaya silang tulad nito?

Ang dami kong tanong nung umagang ‘yon.  Nadala yon hanggang sa pagsakay ko ng jeep.  Tahimik lang ako sa buong byahe pero ang utak ko ay dinadala sa kung saan saang lugar, kung saan saang panahon.  Time machine mode.  Maraming mga pangyayari ang malinaw na malinaw pa sa isip ko, kaso ang problema merong iba na malabo at di ko na maalala.  Yung iba ang tagal na pero tandang tanda ko pa, pero meron namang tila ba kaylan lang naganap pero hindi na maabot ng ala-ala ko. Merong pang iba na parang kahapon lang ay tanda ko pa pero bigla nalang nung araw na ‘yon ay di ko na maalala.  Bigla akong nakaramdam ng takot. Hindi ko na matandaan kung napaihi pa ko ng kaunti sa brief hehe..  Pero naisip ko, pano kung kasabay ng pagdagdag ng edad ko taon taon ay malimutan ko ang mga mahahalagang kwento sa buhay ko?  Pa’no kung di ko na maalala ang mga tawanan namin ng mga kaklase ko nung 3rd highschool?  Pa’no kung makalimutan ko na ang dahilan kung bakit nga ba ‘ko nagcutting ng 70 days sa MAPEH nung 1st high?  May magpapaalala ba sakin kung ga’no kasaya si papa nung sinama n’ya ko sa malapit na elementary school sa’min para mag kinder? Maaalala ko pa ba ang pangalan ng 3,482 na crush ko nung college ako? Pa’no kung tulad ng paglimot ko sa mga nakakatraumang pangyayari sa buhay ko ay iwan na din ng magagandang karanasan ng memorya ko?

Dahil sa pagtingin ko sa salamain nung pangakaraniwang umagang iyon, nabuo sa isipan ko na isulat ang mga naaalala kong pangyayari sa buhay ko mula nung nagkinder ako.  Maaaring may maalala akoong mga bagay na malungkot, nakakahiya at makakasakit sakin kaya kaylangang ihanda ang sarili.  Mas gusto ko na rin yun para “kahit papa’no” lumipas man ang panahon ay may maalala pa din ako sa mga lumipas.  MAKABAGBAG DAMDAMIN! AHAHAHA

ikaw kelan ka huling tumingin sa salamin?

itututloy….

-nakamaskarang mananakay

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s