QUEST PARA SA PINAKA SULIT

PUP-ian ako. Hindi totoo ang sabi sabi na puro mahihirap lang ang nag-aaral sa PUP, merong mangilan ngilan na naliligaw.. at KAMI YUN!!!

Hindi kami mahihirap, ang tawag namin sa mga sarili namin ay TEN-TE-NE-NEN-TENEN!!! PULUBI!!!!

 

ungga tongi team

 

 

unang linggo palang ng klase nagkasama-sama na kaming magkakalikaw ang bituka. Mga batang matatakaw ngunit walang sapat na pera.

Paktay na, pagdating ng vacant namin, kaylangan ng tugunan ang kalam ng sikmura. Hindi naman kami nagpaplano pero alam na sa isa’t isa na ang hanap namin ay ang nakakabusog ngunit mura!

Unang PAKIKIPAGSAPALARAN:

Tinuro sa’min ng kaibigan naming kalbo ang isang kainan sa may catwalk ng PUP (eto yung mahabang daan na nilalakaran bago ka makarating sa main building). Burger na P18.00. ayos pwede ng pantawid gutom. Salamat sa henyo kong kaibigan, tapos namin kumain sabay sabay naming naisip na nakasulit kami.kaso ang kabusugan na naidudulot samin nun ay hindi nagbigay samin ng sapat na enerhiya para sa buong araw na kulitan, daldalan at tawanan. kaylangan mag shift, mali ang theory. Hindi sulit si Burger na pananghalian!!

PANGALAWANG PAKIKIPAGSAPALARAN:

Hindi kami nawalan ng pag-asa, alam namin na makakahanap kami ng pagkaing makakapgbigay samin ng kalakasan hanggang mag-uwian. Dinala kami ng kaibigan naming kalbo sa bago nyang tuklas mula sa kuya nya. Ang tindahan na tinatawag nyang “MACRO”.

kaso epic fail!! kelangan namin lumabas ng PUP at bagtasin ang Teresa (labas ng PUP) at kaya pala tinawag na “MACRO” yun ng kuya nya ay dahil puro MACRO na payong ang gamit dun para masilungan ng mga kumakain. Badtrip! lahat ata ng tindahan dun MACRO ang mga payong kaya sinunod namin ang KATAMARAN. Dun kami sa tindahang “MACRO” na pinaka malapit sa PUP.

Ayos, busog nga kami. Natikman na namin ang pambansang ulam sa PUP. Steamed/fried Siomai. P21.00 may kasama ng half rice!! ayos!!! eto na ba ang tinatawag nilang “PINAKA-SULIT”?

TOINKS!! nagkasundo sundo kaming hindi pa!!

PANGATLONG PAKIKIPAGSAPALARAN:

Wala namang problema sa Siomai eh. Kami lang ang problema. Hindi kami nakuntento sa pagiging sobrang matipid. Kinailangan naming maging UBEEERRR TIPID. napagdesisyonan namin na lumayo at tunguhin ang sikat na “UNLIMITED LUGAW’. Mejo malayo yun mula sa PUP pero ok lang. Sa halagang P6.00.. oo SAIS PESOS ay may unlimited lugaw ka na. Hindi namin alintana ang init, ang layo at ang pawis. Hindi namin gusto ang lasa, pero inuulit ulit namin yun. araw-araw. sinusulit ang anim na pisong puhunan!

nakita kong nabbubbles ang mga utak ng mga kaibigan ko.. nabasa ko “hehe nakasulit tayo”

pero bigla yung nagbago paglingon ko. biglang naging “sayang ang sais, mas sulit kong di nalang ako magbabayad, madami naman customers eh, baka hindi mahalata”

lugaw 123??huwaaaattt????

Advertisements

One response to “QUEST PARA SA PINAKA SULIT

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s