ALAY SAYO

Sabay kayong nagmahal…

Kasabay mo siyang tumawa, kaumain, uminom, nanood ng t.v., nanood ng sine, nanood ng porn??? naglakad, tumakbo, sumakay ng sasakyan, nagbayad, di nagbayad, di nagbayad ng di sinasadya, gumimik, pumasok sa Schol, nagcut ng klase, gumawa ng project, gumawa ng assignment, gumawa ng excuse letter at gumawa ng “apoy.” sabay nyong tinuklas ang mundo. sabay kayo sa trial and error. sabay kayong bumagsak, hawak kamay, magkayakap, sabay ang tulo ng luha, saby sa pag-alala.Pero bakit iniwan ka niya sa pagbangon?

Ang labo ba? mas malabo pa sa tubig baha sa Malabon. ginawa mo siyang kabilang ng buong sistema ng katawan mo. hindi biro ang araw, gabi, linggo, buwan o maari ding taon na pinagsamahan ninyo. tinuring mo syang higit ang halaga sa sarili mo. higit sa mata, bituka, tuhod, tenga, anus, esophagus, singit at sa iba pa. hinayaan mo syang okupahan ang bawat espasyo sa isip mo at higit sa lahat binigay mo na sa kanya ang puso mo.

Masasabi mo bang niloloko ka lang niya sa bawat sandaling nagdaan na naramdaman mong mahal ka niya? eh bakit ramdam mong totoo? wala ka pang pagdududa, totoo ang lahat, totoo ang higpit ng yakap kapag miss ka na nya, totoo din ang bawat iyak na nagsasabing di nya kayang mawala ka. Totoo ang mga butil ng laway na tumitilamsik sa mukha mo sa bawat halakhak nya. totoo, totoo diba? totoong mabaho yon?!! aminin… sinubukan mong amuyin nung napalingat siya!!! haha

Maaari rin namang ikaw mismo ang nanloko at nanakit sa sarili mo. oo nga magkasama kayo, bumuo ka ng mundong para lang sa kanya. iniisip mong ok sya, iniisip mo maayos ka sa paningin nya. pero di pala. bulag ka, manhid sya.

Pagkatapos ng unos na hinarap mong mag-isa, ibang tao ka na ba? ikaw pa rin ba yung kayang uminom ng ihi para sa mahal mo? kaya mo pa bang tumawa? eh ngumiti? kaya mo pa ba syang makita? pano kung may kahawak na syang iba? isang taong hindi sya minamahal nang katulad ng pagmamahal mo sa kanya. anong gagawin mo? susumbatan mo ba sya? sasampalin? papakyuhin? kaya mo ba siyang iumpog sa pader para magising siya sa katotohanan? pano kung gising naman siya? pano kung sa kanya siya talaga masaya? totoo bang kung mahal mo ang isang tao dapat hayaan mo siya kung saan siya masaya?

Kung oo, ihanda mo na ang sarili mo sa mga gabing di ka patutulugin ng kakaisip sa mga lumipas na araw ng saya nio. mga araw na hawak ka niya, hawak mo sya, at kaylikot ng mga kamay mo sa buong katawan niya. wahahaha!! buong buhay kang manghihinayang, buong buhay kang mabubuhay sa nakaraan. maiisipan mo nang sumulat sa maalaala mo kaya. tatamarin ka na sa buhay mo at maiisipan mo ng pigilan ang paghinga mo, na for sure eh di tatagal ng one minute at ibubuga mo na yung hangin tapos, hingal ka na…

Ang tunay na pag-ibig, minsan lang talaga darating. pero maniwala ka, dina ‘to aalis. kung iniwan ka ng taong minahal mo, okay lang!!! wag kang magpakalugmok. lagyan mo ng sungay mga picture nya, tapunan mo ng basura bakuran nila, ipangalan mo siya sa alaga mong langgam tapos tirisin mo na. ang tunay na pagmamahal tapat,mapagbigay, at walang hanggan. darating ang taong para sayo. darating sya sa oras na higit mo syang kailangan. uupo siya sa tabi mo at pakikinggan ka, dadamayan ka, aalalayan ka sa muling pagbangon, mamahalin ka at di ka na iiwan pa magpakailanman. isang trilyong porsyentong higit sya sa mas una mong minahal!!!

HIGIT PA SA PANGARAP MO, HIGIT PA SA INAASAHAN MO, HIGIT KAHIT KANINO SA KALAWAKAN.

 

Advertisements

One response to “ALAY SAYO

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s