pa extend pa!!!!!

sa Sinasadya, Di sinasadya, Plinano, at itinakda ng tadhanang pagkakataon ay muling nagkasalubong ang landas nyo ng EX mo.. ANONG GAGAWIN MO??

A. di mo sya papansinin?
B. Papakita mo sa kanyang nakamove on ka na?
C. aasang muling babalik ang dati?

Naalala mo pa ang mga huling sandali. Kung pano nyo pinakawalan ang daang araw nyong pinagsamahan. Ang hapding sakit sa puso ng bawat salita ng pasakit na binitawan. Merong bang sumbatan? merong bang panghihinayang? may naganap bang bugbugan?? lahat yan tanda mo.. at nagflash back sa utak mo/utak nyo sa muling pagtama ng mata nyo sa bawat isa.

Teka ilang buwan na ba ang lumipas buhat no’n? nagbago na kaya s’ya? may bago na ba syang mga kaibigan? may bago na ba syang mga paniniwala? may bago na ba syang pagkain na kinahihiligan? yun parin kaya ang pabangong gamit nya? Mahilig parin kaya sya sa pritong bawang? green parin ba ang kulay ng utot nya? may bago na ba syang cell number? black parin ba ang paborito nyang underwear? may bago na ba syang kahawak? may bago na ba syang kayakap? may ibang labi na bang dumadampi sa kanyang labi? may bago na ba syang kasiyahan? MAY BAGO NA BA SYANG MAHAL?

ANONG MARARAMDMAN NYA PAG SINABI MONG MAHAL MO PADIN SYA?

ilang beses na ‘kong nakasaksi sa muling pagkikita ng mga dating magsing irog. Una muna hindi sila magpapansinan pero ramdam kong ilang ang bawat galaw, bawat pihit ay may sulyap at iba ang ningning ng mata, may tinatago.. may katanungan, may iniintay.

Madalas itong nangyayari sa mga reunion ng mga magkakaklase o mga magkakaibigan. konting asaran mamaya magkatabi na sila. nakikita ko nalang na magkahawak na muli ang kamay nila at nagbubulungan, may ngiti sa mukha at para bang bumalik na ang pag-ibig na dati ay lumisan.

oo nangyayari yan kahit may sarisarili na silang relasyon. Basta hindi kasama si current gf/bf, tuloy ang epic fail.

Tila napapawi ang sakit, lumbay at mga katanungan sa muling paghawak mo sa kamay niya. para bang ibinabalik sa mga sandaling sabay kayong nagsimula. ano ba ang pakiramdam na muling mahawakan ang kamay na memoryado mo na ang tekstura, ang laki at ang haba? muling mahalikan ang labing minsang inulit ulit na mahal ka. gaano ba kasarap na hindi marinig ngunit maramdaman na sa kabila ng lahat ay MAHAL ka PADIN nya.

may nakapagsabi sakin na ang sex daw tapos ng break up ang pinakamasarap. maemosyon, may pagluha, may kasiyahan, may pananabik at punong puno ng pagmamahalan (minsan daw may paghihiganti) inuulit ko.. may nakapg sabi lang sakin..ehe

Kung parehas kayong malaya pa ay walang problema, ibalik nyo ang dating pag-ibig na ngayo’y siguradong mas pinatibay na. buuin nyo ang mga pangarap na nasira, tulungan ang bawt isang hilumin ang sugat at mapawi ang sakit na dinulot ng kalungkutan kayo ang syang lumikha. wala ng mas tatamis pa, sa pag-ibig na tunay, kung ramdam mong s’ya yon ay wag mo ng pakawalan pang muli,hindi pagkakamaling naghiwalay kayo, naging daan yon para mas lumago kayo at maging mas handa sa mga pagsubok. Tandaan na ang mga puno ay itinatanim ng malyo sa isa’t isa upang hayaang lumago ang mga sanga pero pagdating ng araw ay magpapangabot din sila kung loloobin ng tadhana!!

ngayon, sa tingin ko naman ay walang saysay ang muling patibukin pa ang puso sa dati mong pagibig kung mayron ka ng bagong mahal. siguro nga ay parehas kang may pagmamahal sa kanila,pero sigurado kong may higit kang minamahal na magiging rason mo sa pagpili sa pagitan nilang dalawa.
wag mong hayaan na lamunin ka ng gulo ng isipan. Sa bandang huli siguradong may masasaktan. ang pagkakamali ay hindi na maitatama pa ng isa pang pagkakamali. Tandaan ang square ay kuwadrado, triangle triangulo heart ay puso at bilog ang mundo

-masked rider

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s